Pilipinas mangungutang ng P1.16-T sa 2023 para macover ang projected budget deficit

Asahang uutang ang gobyerno ng Pilipinas ng mahigit P1 trillion para ma-cover ang projected budget deficit sa susunod na taon.

Sa budget briefings ng Kamara, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na ang kabuoang revenue projections sa 2023 ay P3.6 trillion, na taliwas sa proposed budget na P5.268-trillion.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Dagdag ng Finance chief, na ang projected expenditures ay P5.1 trillion, kaya may deficit na P1.16 trillion.

Ayon kay Diokno, 75% ng borrowings ay kukunin locally, habang ang 25% ay manggagaling sa foreign sources.

Read More:  60 fatalities in MV June Aster fire identified; 11 others still being identified — PCG

Sa kabila naman ng projected amount ng borrowingssa susunod na taon, sinabi ng Finance chief na bababa ang pangangailangan na pangungutang ng bansa, dahil sa tingin nito ay wala naman nang isa pang pandemya sa hinaharap.