Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahaging babae ang magiging baby!

Babae ang magiging panganay na anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Sa isang vlog na ipinost nitong Huwebes, nagdaos ng gender reveal party ang mag-asawa para sa kanilang “Baby Peanut” na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya.

Read More:  Bela Padilla, Martin Tan spotted together weeks after breakup

Para kay Jessy, gusto niyang lalaki ang unang anak, habang babae naman ang gusto ni Luis.

Pero nang tinusok na ang malaking balloon na hawak ng aktres, pink confetti ang lumabas na indikasyon na babae ang nasa sinapupunan ni Jessy.

Read More:  Bianca Manalo, Sherwin Gatchalian remain friends after breakup

Para sa mag-asawa, anuman ang kasarian ng kanilang paparating na anak, ang mahalaga ay malusog lang ito.