Palay support program ng So.Cot, nagpapatuloy

KORONADAL CITY- AABOT na sa 412 na mga magsasaka sa lalawigan ng South Cotabato ang nakinabang sa palay support program ng provincial government na ipinatutupad ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAg.

Ito ay batay sa datos mula March 2021 hanggang July 2022.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Ang naturang programa ay pinondohan ng P 35 million mula sa dating P 10 million na initial fund noong 2019.

Ang palay support ay isang programa ng probinsya na naglalayong matulungan ang mga marginalized palay farmers na apektado ng mababang presyo ng palay.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Katuwang ng OPAg sa implementasyon nito ang Binhian ng Timog Kutabato Multipurpose Cooperative o BINTIKU na siyang bumibili ng palay sa presyong P 19 per kilo.