Maituturing na biyaya ang buhay ng bawat indibidwal lalo na kung umabot tayo sa tinatawag na ‘old age’.
Isa na nga ito sa pinakamagandang regalo na maaari nating matanggap na siyang bibihira na lamang makamtan sa panahon ngayon.
Kaya naman mistulang inspirasyon talaga at kahanga-hanga ang tinaguriang “World’s Oldest Triplets” sa male category kung saan, nagdiwang sila ng ika-93 kaarawan nitong nagdaang Diyembre 1, 2023.
Kinilala ito na sina Larry, Lon, at Gene bilang kung saan, ipinanganak umano sa Kalvesta, Kansas, USA at first born si Larry, pangalawa si Lon at huli si Gene.
Ayon sa tatlo isa umano sa sikreto nila sa pagkamit ng katandaan ito ay dahil sa pag-iwas sa ano mang bisyo.
Ang nakahahanga pang katangian ng tatlo ay hindi lamang umano nila itinuturing na kapatid ang bawat isa kundi bilang mga magkakaibigan na lagging nariyan para sa isa’t isa.###WENCY LISAY