92K na mga byahero, naitala sa mga pantalan sa rehiyon kasunod ng nakaraang eleksyon at undas – PPA Bicol

LEGAZPI CITY – Umabot sa 92,365 na mga biyahero ang naitala ng Philippine Ports Authority (PPA) Bicol sa mga pantalan sa rehiyon kasunod ng halos dalawang magkasunod na kaabalahan o ang nakaraang eleksyon at ng undas.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PPA Bicol Regional Spokesperson Achilles Galindes, sinabi niya na ito ang naitala mula pa noong ipatupad nila ang Oplan Byaheng Ayos noong Oktubre 27.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Aniya, sa datos na ito, hindi kasama ang pantalan ng Masbate dahil iba naman ang port management doon.

Halos kalahati umano rito ay naitala sa Matnog Port na may halos 47,000; sumunod naman ang Tabaco Port, habang huli ang Pio Duran Port.

Ayon kay Galindes, halos nagkakapareho ang datos ngayon kung ikukumpara sa nakaraang National and Local Elections noong Mayo 2022.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ito umano ang pinakamalaking volume ng mga byahero na naitala sa Bicol sa loob ng limang taon ayon kay Galindes.

Ilan umano sa mga umambag o factors nito ay ang pagkakasabay ng eleksyon at ng undas, long weekend maging ang pag-aalis ng travel restrictions dahil sa COVID-19 pandemic.