9 huli sa pagtutupada sa Batangas City

Kulungan ang diritso ng siyam na mga kalalakihan matapos na mahuli ng mga awtoridad na naglalaro ng tupada sa Barangay Tabangao Dao, Batangas City nitong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 09, 2023.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang mga naaresto na sina Telesforo Canimo Jr y Del Rosario, 57; Gregorio Ilagan y Dilay, 54; Isabelo Ramirez y Hernandez, 69; Felimon Aguilar y Baes, 60; Manny Cantos y Espiritu, 50; Estelito Bunquin y Aguilar, 55; Victor Aguado y Cantos, 68; Randy Torres y Bayas, 42 at Edwin Calanog y Pereye, 65, pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa PD 449 Cockfighting Law of 1974.

Ayon sa imbestigasyon, nagkasa ng anti-illegal cockfighting operation ang naturang himpilan kung saan aktong nahuli ang mga suspek na naglalaro ng iligal na sabong pasado alas-3 ng hapon.

Narekober mula sa mga ito ang apat na manok na panabong at tayang nagkakahalaga ng 5,420.00 pesos.

Hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga naarestong suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *