Inaresto ang siyam na indibidwal ng pulisya dahil sa pagto-tong its sa Barangay Poblacion, Araceli, Palawan ganap na 2:39 ng umaga nitong Huwebes, July 28, 2022.
Kinilala ng Palawan Provincial Police Office ang mga nahuli na sina Jona Palay Lusano, 45; Jennilyn Barong Songcayaon 36; Meriam Palay Palad, 31; Gerald Acosta Again, 25; Virgeniata Tabong Agawin 55; Cris Agawin Tabang 18; Jose Abrina Acosta, 49; Beverlyn Revillias Valdescuna, 50 at Mary Jane Acosta Pantinople, 52.
Kinumpiska ng awtoridad ang mga ebidensya tulad ng mga pera at baraha bago sila dinala sa Araceli MPS.
Idinagdag ng Araceli MPS na ayon umano sa mga nahuli ay may kamag-anak silang pinaglalamayan sa malayo.
Nahaharap ang mga nahuli sa paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o Illegal Gambling.