82 pulis sa Sorsogon, nabakunahan na

SORSOGON CITY – Aabot na sa 82 na mga pulis ng Sorsogon Police Provincial Office ang inisyal na nabakunahan na kontra Covid-19.

Hindi naman binanggit ng PNP Regional Office-V kung anong bakuna ang itinurok sa mga pulis.

Sa kasalukuyan, aabot na sa sa 480 na pulis ang nabigyan na ng bakuna sa rehiyong Bicol kung saan pinakamaraming nabakunahan ang PNP-Sorsogon, sinundan ito ng 74 pulis sa Albay, 73 sa Camarines Sur, 53 sa Regional, Medical and Dental Unit, 52 sa Masbate-PNP, 50 sa Regional Support Unit, 41 sa Catanduanes, 37 sa Camarines Norte habang 18 sa PNP-Naga.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Una nang inihayag ng pamunuan ng PNP na hihikayatin nila ang lahat ng kanilang mga tauhan na magpabakuna pero walang mangyayaring pilitan.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Kasabay nito, pinaghahandaan na ng PNP Regional Office 5 ang posibleng paggamit ng kanilang mga kampo at himpilan bilang karagdagang pasilidad na gagamitin sa pagbakuna.

Alinsunod umano ito sa utos at pagsuporta sa bagong C,PNP na si PGen Guillermo Eleazar.