800 pawikan hatchlings pinakawalan sa dalampasigan ng Zambales

Umabot sa walong daang mga olive ridley turtle hatchlings ang pinakawalan ng Department of Environment and Natural Resources sa karagatan ng Zambales.

Ito ay kasabay ng Pawikan Day na ipinadiwang kamakalawa lamang na layong ipalaganap ang marine protection.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Ang mga ito ay pinakawalan sa mga karagatang sakop ng Subic Bay, San Narciso at ng Masinloc.

Ito ay sa pamamagitan ng DENR Provincial Office, Pawicare, All Hands Beach at USAID Philippines Sustainable Interventions for Biodiversity, Oceans, and Landscapes (SIBOL) project.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

PHOTO: DENR Central Luzon