8 myembro ng SBMA Fire and Rescue kinilala ng Olongapo City

Kinilala ng Olongapo City ang walong myembro ng Subic Bay Metropolitan Authority Fire and Rescue na tumulong sa search, rescue and retrieval operations sa Turkey noong Pebrero.

Sa isinagawang flag raising ceremony kaninang umaga, ay dumating ang tatlo sa walong myembro at tinanggap ang pagkilala.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon sa City Council, ito ay pasasalamat at pagkilala sa serbisyo na kanilang ibinigay sa Turkey matapos tamaan ang bansa ng malakas na lindol.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Kinilala ang mga pinarangalan na karamihan ay Olongapeño na sina Fire Chief Ranny Magno, Romeo Paulmino Sr, Allan Jahnke, Rhumz Alicante, Paul Joseph Rivada, Joel Ganaden, John Patrick Ablaza at Clinton Adato.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO