78 years old na lalaki, pinakasalan ang kanyang high school crush

Gaano ka ka-patient pa sa iyong minamahal?

Katulad ka ba ni Thomas McMeekin, isang 78 years old na hinintay ang kanyang high school crush na si Nancy Gambel na mapakasalan matapos ang higit anim na dekada?

Magkaklase sina Thomas at Nancy noong high school at nag-date, pero naudlot ang pagmamahalan at naghiwalay ang landas.

Pagsapit ng college ay nag-date ang dalawa, subalit nawalan ng komunikasyon sa mga lumipas na taon.