Natanggap na ng kabuuang 754 partner beneficiaries ng Project LAWA at BINHI mula sa lalawigan ng Quirino ang kanilang cash assistance sa ilalim ng Risk Resiliency Program ng DSWD Field Office 2.
Isinagawa ang pay out noong June 13-14 sa mga bayan ng Maddela at Quirino at tumanggap ng tig-8,400 ang bawat benepisyaryo na nagtrabaho ng dalawampung araw kabilang ang cash-for-training (CFT) at cash-for-work (CFW) activities.
Ang project LAWA at BINHI o Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished ay isang proyekto sa ilalim ng Risk Resiliency Program through Cash-For-Training and Work (RRP-CFTW).
Ito ay isang proactive na interbensyon at napapanatiling solusyon upang labanan ang gutom,maibsan ang kahirapan at bawasan ang kahinaan sa ekonomiya ng mga komunidad sa pamamagitan ng pagtugon sa pagkain, kawalan ng kapanatagan at kakulangan sa tubig na pinalala ng pagbabago ng klima at mga sakuna.