74 new cases, 92 recoveries sa COVID-19 naitala sa Bicol

BICOL—Pumalo na sa 20, 793 ang total cases ng COVID-19 sa Bicol region matapos na madagdagan ng 74 na panibagong kaso.

36 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 22 ang naitala sa Naga City, tatlo sa bayan ng Caramoan, tigdadalawa ang bayan ng Baao, Pili at lungsod ng Iriga at tig-iisa ang mga bayan ng Calabanga, Libmanan, Nabua, Pasacao at Sipocot.

18 na bagong kaso ang nadagdag sa Albay kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Daraga, apat sa lungsod ng Legazpi, tigdalawa ang bayan ng Camalig at Guinobatan at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay at Tiwi at lungsod ng Ligao at Tabaco.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

18 kaso rin ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan lima nito ay mula sa Sorsogon City, apat sa bayan ng Juban, tatlo sa bayan ng Gubat, tigdalawa ang bayan ng Donsol at Prieto Diaz at tig-isa ang bayan ng Irosin at Pilar.

Pare –peraho namang zero new positive case ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Catanduanes at Masbate habang mayroong dalawang bagong kaso na nagmula sa labas ng rehiyon.

Samantala, pumalo na sa 16,767 ang total recoveries matapos na madagdagan ng 92 bagong gumaling. 26 nito ay mula sa lalawigan ng Masbate, 21 sa Naga City, 18 sa Catanduanes, 14 sa Albay at 13 sa Sorsogon.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Isang bagong pagkasawi naman ang nadagdag na mula sa lalawigan ng Sorsogon kung kaya pumalo na sa 787 ang death toll ng sakit sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna. || SLM