SORSOGON CITY – Bagama’t patuloy na naglalabas ng ‘voluminouis plumes’ ang Bulkang Bulusan, ang mga naitatalang lindol ng bulkan sa nakalipas na 24 oras ay mas kaunti kumpara noong mga nakaraang araw, batay ito sa pinakahuling bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong araw ng Martes.
Sa nakalipas na 24 oras, 7 volcanic quakes ang naitala ng Mt. Bulusan, mas mababa sa 29 na volcanic quakes noong nakraang araw.
Paliwanag ng Phivolcs, ang volcanic earthquakes ay sanhi ng paggalaw o pagsabog ng magma mula sa bulkan, kumpara sa tectonic na lindol na dulot ng fault movements.
Sa parehong 24 oras na panahon ng pagmamasid, ang mga malalaking plume emmissions na 150 metro ang taas ay naitala.
Patuloy din ang pag-agos ng plume sa hilagang-kanluran.
Paliwanag naman ng Phivolcs sa volcanic plumes, ito umano ay mga columns o hanay ng mainit na abo at gas na ibinubuga ng bulkan sa kapaligiran sa panahon ng pagsabog ng bulkan.
Ang mas mahinang pagsabog ay batay naman sa taas ng plume na lumalabas sa bunganga o crater ng bulkan.(BNFM SORSOGON | MALOHA HATOC)
#