7 PWDS sa Cagayan, nakatanggap ng wheelchair mula sa sa DSWD Region 2

Nakatanggap ng wheelchair mula sa Department of Social and Welfare Development Region 2 ang pitong Person With Disabilities na mula sa Pamplona Cagayan.

Ito ay bilang bahagi sa mandato ng Republic Act 7277 o Magna Carta For Disabled person na layong maihatid sa mga PWD ang mga serbisyo o programa ng pamahalaan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon sa DSWD Region 2, dalawa mula sa pitong benepisaryo ay mga batang PWD na kabilang sa 4Ps ng Barangay Masi habang ang nalalabing lima ay mula naman sa Barangay Sta Cruz sa nasabing bayan.

Bago ang pamamahagi ay nagkaroon umano ng home visitacion at pagsusuri upang matiyak ng ahensya na karap-dapat makatanggap ang mga ito ng nasabing assistive device.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa ngayon ay nasa 65 PWD na ang nabigyan ng auxiliary social services tulad ng financial assistance at iba pang assistive devices sa rehiyon.

Photo/|DSWD RO2