7 kaso ng Omicron BA.2.12.1 subvariant, 3 kaso ng BA.5, kumpirmado sa PH

Kinumpirma ng Department of Health na nadagdagan pa ang mga kaso ng mas nakahahawang subvariants ng COVID-19 sa bansa.

Sa media forum ng DOH, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong tatlong bagong kaso ng BA.5 subvariant.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Ito ang lumabas sa kanilang pinakahuling genome sequencing.

Dalawa sa bagong kaso nito ay nagmula sa CALABARZON; habang ‘di pa tukoy ang isa.

Fully-vacinated na ito; habang ang isa sa CALABARZON ay unvaccinated.

‘Recovered’ na ang tatlong kaso ngunit inaalam pa kung nakaranas na rin ng sintomas ang kanilang mga close contacts.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Sa kabuoan, lima na ang mga kumpirmadong BA.5 subvariant cases sa Pilipinas.

Samantala, pitong bagong kaso rin ng mas nakahahawang BA.2.12.1 ang kumpirmado ng DOH.(GAB DALISAY)
#