6 pulis-Navotas, ‘no-show’ sa preliminary investigation

“No-show” o hindi dumalo sa preliminary investigation ang anim na pulis mula sa Navotas City na sangkot sa pagbabaril kay Jemboy Baltazar.

Sa halip na dumalo ito nang personal, pinaharap lamang ng mga suspek ang kanilang legal representative kahit na required ang attendance ng mga ito sa prosecutor’s office.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Kinilala ang mga suspek na sina Police Executive Master Sergeant Roberto Balais, Police Staff Sergeant Gerry Maliban, Police Staff Sergeant Antonio Bugayong, Police Staff Sergeant Nikko Esquilon, Police Corporal Eduard Blanco, at Patrolman Benedict Mangada.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Humaharap ang mga ito sa kasong reckless imprudence, ngunit isinusulong ng kampo ng biktima ang pag-upgrade ng kaso bilang murder.

Ayon sa legal representative ni Baltazar na si Atty. Ansheline Bacudio, aamyendahan nila ang reklamo at hihintayin ang resolusyon ng piskal kaugnay sa kanilang iminumungkahi.