6 na Pilipino bumalik sa Gaza Strip ayon sa DFA

Bumalik ang anim na Pilipino at dalawang Palestinians sa Gaza Strip habang sarado pa rin ang Rafah border crossing malapit sa Egypt.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, dahil sa kakulangan ng espasyo sa kanilang lokasyon sa southern portion ng Gaza kaya bumalik sila sa Palestinian-occupied area.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Sinabi pa ng DFA official na wala pang foreign nationals ang makatatawid sa border, dahil humanitarian aid lamang ang pinapayagang makadaan sa tulay.

Read More:  House prosecutors seek prayers ahead of Sara Duterte impeachment trial

Tanginag Rafah border crossing ang daan palabas ng war-torn Gaza.

Samantala, wala pang impormasyon ukol sa dalawang nawawalang Pilipino sa Israel subalit para kay de Vega na itinuturing nila itong bihag ng grupong Hamas.