6 na munisipyo sa Zambales kabilang sa pilot testing area ng Comelec Mobile Registration Form Application

ZAMBALES-Maaari makapagparehistro sa Commission on Election sa pamamagitan ng android phone kahit offline ang mga residenteng sakop sa pilot testing ng Comelec Mobile Registration Form Application.

Ayon kay City Comelec Officer Atty. Marvyn Gaerlan, sa Zambales ay mayroong anim na munisipyo na kabilang sa pilot testing area.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ito ay kinabibilangan ng mga munisipyo ng Iba, Masinloc, Candelaria, Botolan, Castillejos at San Narciso.

Bago magamit ang mobile application ay kailangan muna itong i-download at pagkatapos ay pwede nang magfill-up ng form sa android phone kahit offline.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Pagkatapos nito ay bibigyan ng QR code na kailangang i-save dahil ito ang ipapakita sa pagpunta sa Comelec Office para sa iba pang proseso.

Maaari naman umanong hingin ang link ng application sa mga opisina ng Comelec para ito ma-download.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text