6 katao, arestado dahil sa ilegal na pagsasabong sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Tiklo ang anim na katao sa P-2 Brgy. Kiwalo, Daraga, Albay dahil sa ilegal na pagsasabong.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Bobet”, “Jobert”, “Lito”, “Alvin”, “Boyet” at “Jayjay” na lahat ay naninirahan sa nabanggit na bayan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag ang Daraga MPS mula sa concerned citizen tungkol sa pagtutupada sa lugar.

Dahil dito, agad na pinuntahan ng kanilang mga tauhan ang lugar upang beripikahin at nang marating ang lokasyon, dito na nabulabog ang ilan sa mga kalalakihan at nagsipagtakbuhan subalit anim lamang ang nahuli.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Narekober ang dalawang pirasong gaffs na may scabbard, orange thread, dalawang pulang panabong na manok at perang ginamit sa pagsusugal.

Nasa kustodiya na ito ng nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon.