NAGA CITY- Tinamaan ng tumaya sa Naga City ang ₱29.7M 6/55 Grand Lotto jackpot nitong Sabado.
Sa record ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang winning combination ay 40-03-34-37-19-15.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Jobet Ramos ng PCSO-Camarines Sur , sinabing tumaya ang nanalo sa ALDP Mall sa Barangay Triangulo.
Ang pagkakapanalo ng isa nanamang Bicolano ay posibleng magpataas pa sa bilang ng mga mananaya o di kaya sa halaga ng taya. Ang benipisyo nito sa PCSO ay sustainable o tuloy-tuloy na serbisyo para sa mga lumalapit sa kanilang opisina at mga tinutulungang komunidad.
Napasana all ang iba habang napa congratulations naman ang marami kahit na hindi nila batid kung sino.
Ayon kay Ramos, hindi pa nila malaman kung residente ng anong barangay sa Naga o sa Camarines Sur, hindi rin alam kung ano ang trabaho o pinagkakaabalahan sa buhay dahil hindi pa naman nag claim ng napanalun.