5th Special Forces Battalion, pinarangalan dahil sa pagkabuwag ng DI Maguid group

KORONADAL CITY – GINAWARAN ng plaque of recognition ng provincial government ng South Cotabato sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Progtam o ECLIP Committee ang 5th Special Forces Battalion ng Armed Forces of the Philippines dahil sa mga hakbang na ipinatupad nito at kontribusyon sa pagpapanatili ng katahimikan sa lalaiwgan at pagbuwag sa Dawlah Islamiya o DI – Maguid Group.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ang DI-Maguid ay local terrorist group na responsable sa mga nangyaring assasination, kidnapping, extortion, at bombings sa lalawigan at iba pang bahagi ng Mindanao noong 2014 hanggang 2023. Ang plaque of recognition at kopya ng ipinasang resolution ng ECLIP committee ay ibinigay ni Governor Reynaldo Tamayo Jr kay 5th Special Forces Battalion Commander Lt.Col. Carlyleo Nagac. Sa kanyang mensahe, inihayag ni Nagac na ang pagkabuwag ng DI Maguid group ay resulta ng ‘whole-of-nation’ approach at sinserong paghahatid ng serbisyo sa grassroots level. Ang 5th Special Forces Battalion ay unang nakatanggap ng pagkilala mula sa Office of the President at Department of National Defense o DND dahil sa pagdismantle sa teroristang grupo.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026