56 na pasahero patungong Masbate stranded ngayon sa Pasacao Port

NAGA CITY – Umabot na ng 56 ang bilang nang mga na-stranded na pasahero sa Pasacao Port sa Camarines Sur matapos na magkansela ng biyahe ang roro papuntang probinsya ng Masbate dahil sa nararanasang sama ng panahon na dala ng Amihan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay Philippine Coast Guard Camarines Sur Commander Brummel Magalong, sa pinalabas nilang Sea Travel Advisory kaninang 5:00 ng umaga, nakasaad dito ang pagbabawal sa mga maliliit na sasakyang pandagat na maglayag, gayundin ang pagpapa-laot ng mga mangingisda.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Samantala, inaasahan naman na tataas pa ang bilang ng mga ito sa susunod na mga oras, kaya naman dumulog na ang PCG sa LGU at MDRRMO-Pasacao upang kung sakaling dumami pa ang bilang ng mga pasahero, kaagad silang mailipat sa mas malaking evacuation center.