56-anyos na lola nagtapos ng Senior High School sa Camarines Sur

CAMARINES SUR – Pinusuan sa social media at hinangaan ng karamihan ang 56 anyos na lola na si Erlinda Deseo matapos na makagraduate ng senior high school sa San Jose National High School sa Partido Area.

Kuwento sa Brigada News FM Naga ng kanyang dating guro na si Renan Relloso, Head Teacher ng Technical Livelihood Education sa nasabing paaralan, nakita niya kung gaano kasinop at kadesidido si Erlinda na makapagtapos ng pag-aaral. Panahon ng pandemya noon nang muling mag-enroll ang lola kasabay ang kaniyang mga apo na nag-aaral din sa kaparehong paaralan. Lubos na humanga si Relloso dahil kahit may edad na ito, hindi pa rin siya bumibitaw sa pangarap na diploma.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur
Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Sabi pa ni Relloso, bukas ang kanilang paaralan sa pagtanggap sa mga tulad ni Nanay Erlinda na nais pang maipagpatuloy ang pag-aaral nang hindi  iniisip ang edad at panahon.

Samantala, pinarangalan din si Nanay Erlinda ng special award at napag-alamang magpapatuloy pa ito ng kolehiyo sa kursong Teacher Education.