KORONADAL CITY- OKUPADO na ang mahigit sa kalahati ng mga hospital beds sa mga COVID 19 referral facilities sa rehiyon 12.
Ayon kay Department of Health o DOH 12 health education and promotion officer Arjohn Gangoso na batay sa datos noong September 5, 51.30% na ang bed utilization rate sa rehiyon dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID 19 cases.
Kaugnay nito, nananawagan si Gangoso sa mga mamamayan na agad na makipag-ugnayan sa mga Barangay Health Emergency Response Team o BHERTs oras na makaranas ng sintomas ng COVID 19 at magkaroon ng close contact sa mga COVID positive patient.
Sa pamamagitan nito, mabibigyan ang mga pasyente ng tamang intervention at marefer sa tamang pasilidad.
Ayon kay Gangoso na ito ay isa ring paraan upang maiwasan na mangyari sa region 12 ang nangyayari ngayon sa ibang lugar kung saan punuan na ang mga pagamutan at ang ibang pasyente ay nananatili na lamang sa kanilang mga sasakyan sa labas ng ospital.
