50 alumni mula sa BU, pumasa sa July 2023 Master Plumbers Licensure Examination

LEGAZPI CITY – Aabot sa 50 alumni mula sa Bicol University ang pumasa sa isinagawang Master Plumbers Licensure Examination.

Batay sa ipinalabas na resulta ng Professional Regulation Commision (PRC), ito ang naitalang bilang nna nakapasa mula sa 97 indibidwal na nag-take ng pagsusulit.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nakakuha ang pamantasan ng 51.55% passing rate kumpara sa national passing rate na nasa 44% lamang.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ayon sa pamunuan ng institusyon, kanila itong ikinatutuwa at ipinagmamalaki nila ang mga bagong master plumbers na produkto ng kailang pamantasan dahil isa itong malaking karangalan.