5 tindahan, nabigyan ng notice of violation ng DTI-Isabela; mahigit 2,000 uncertified home appliances, nakumpiska

Binigyan ng notice of violation ang limang tindahan habang nasa 2,366 na uncertified appliances at electrical items ang nakumpiska ng DTI-Isabela sa mga lugar ng Cauayan City, Santiago City, Alicia at Ramon, Isabela.

Ito ay sa ilalim ng isinagawang Comprehensive Monitoring and Enforcement Program ng ahensya na layunin tugunan ang mga concerns ukol sa di umano’y pagbebenta ng mga hindi sertipikadong produkto sa lalawigan at iba pang paglabag sa umiiral na trade laws.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, 8 tindahan ang siniyasat mula sa nasabing mga lugar kung saan 5 sa mga ito ang nabigyan ng Notice of Violation matapos hindi sumunod sa umiiral na RA 4109 o Product Standards Law.

Kasabay nito ay nakumpiska rin ang 2,366 na hindi sertipikadong mga home appliances and electrical items na nagkakahalaga ng 164,650 pesos.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ibinibigay din ang notice of violation sa mga tindahang hindi sumusunod sa price tagging sa ilalim ng RA No. 71 o Consumer Act of the Philippines

Muli namang pinaalalahanan ng DTI Isabela ang mga mamimili na maging mabusisi sa mga binibiling produkto kung maganda ang kalidad nito at sertipikado ng Philippine National Standards.