5 pulis-Manila na sangkot sa robbery-extortion nasa AWOL status na! – MPD

Nasa awol status na ang limang pulis na isinasangkot sa robbery-extortion sa Sampaloc, Maynila.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Manila Police District spokesperson PMaj. Philipp Ines, patuloy aniyang pinaghahanap ng binuong tracker team ang mga pulis na kinilalang sina PSSG. Ryann Paculan, PSSG. Jan Erwin Isaac, PCpl. Jon Dabucol at mga Patrolman na sina Jhon Lester Pagar at Jeremiah Pascual.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Sinabi rin ni Maj. Ines, na nasampahan na ng kaso sa piskalaya ang mga nabanggit na pulis dahil sa kanilang paglabag sa Article 295 ng Revised Penal Code o Robbery with violence against or intimidation of persons.

Gumugulong na rin aniya ang kasong administratibo laban sa mga ito.

Samantala, sinabi ni Ines na low morale ngayon ang mga pulis na kabilang sa sinibak sa kanilang District Police Intelligence Operations Unit ngunit hindi naman daw nangangahulugan ito na maaapektuhan ang operasyon ng MPD.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list


Tiniyak din ni Maj. Ines ang seguridad sa mga biktima ng limang nag-AWOL na pulis.

Aniya, hindi nila pababayaan ang may-ari ng computer shop na complainant sa kaso kaya wala itong dapat ipangamba.
#