5 proyekto sa ilalim ng  LGSF-SBDP  sa bayan ng Magallanes, kumpleto na

Nakumpleto na ang lima mula sa 26 na proyekto sa Magallanes, Sorsogon.

Ang nasabing mga proyekto sa ilalim ng FY 2022 Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ay kinabibilangan ng Electrification sa Brgy. Aguada Sur, Rehabilitation of Farm-to-Market sa Brgy. Bacolod, Road Rural Electrification sa Brgy. Malbog, Rural Electrification sa Brgy. Pawik, at Rural Electrification sa Brgy. Tula-Tula Norte.

Ang nasabing mga proyekto ay pinal na inispeksyon ni Engr. Marianne Eva Flor Maraña ng DILG Sorsogon at Engineering Staff ng LGU Magallanes upang matiyak na ang pagpapatupad ng mga proyekto ay naaayon sa pambansang pamantayan.

Sa kabuuan, natapos na ng lalawigan ng Sorsogon ang 51  mula sa 173 na mga proyekto sa ilalim LGSF-SBDP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *