5 LGU sa Soccsksargen, nasa alert level 1 na

KORONADAL CITY- LIMANG mga local government units sa Soccsksargen region ang inilagay na sa Alert Level 1 ng COVID 19 Alert Level System ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Kabilang sa mga ito ang Koronadal City sa South Cotabato, Lebak sa Sultan Kudarat at Arakan sa North Cotabato na nasa Alert Level 1 simula noong May 1 hanggang May 15, 2022.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nasa mababang alert level na rin simula noong May 3 hanggang May 15 ang bayan ng Banga sa South Cotabato at Antipas sa North Cotabato.

Sa ila¬lim ng Alert Level 1, pinapayagan ang mas maluwag na paglabas ng lahat kahit pa ng anong edad.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Pinapayagan din ang full on-site capacity sa mga private establishments at government agencies, pero kailangang pa ring magpatupad ang mga ito ng minimum public health standards.