5 ELCAC areas sa So.Cot, nakatanggap ng gardening tools

KORONADAL CITY- NAMAHAGI ang Convergence Team ng South Cotabato ng P 236,000 na halaga ng mga kagamitan sa mga End Local Communist Armed Conflict o ELCAC areas sa probinsya.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng mga ito ang 60 mga water impounding drums, 100 pieces ng water jugs, 50 mga pala, 50 mga lagaraw at 117 na mga pisaw.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Nakinabang dito ang 5 mga ELCAC areas, ang Sitio Highpoint (Sitio IPs) sa Brgy. San Jose, City of Koronadal; Brgy. Cebuano, Tupi; Sitio Ellaw, Brgy. Laconon, Tboli; Sitio Colonbong, Brgy. Lamfugon, at Sitio Bulol Lahak, Brgy. Klubi, Lake Sebu, South Cotabato.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa natanggap na kanilang magagamit upang makadali ang kanilang pagtatanim.