5  akusado sa Salilig hazing, naghain ng bail bid

Naghain ng kanilang petisyon para makapaglagak ng piyansa ang limang akusado sa pagkamatay ng hazing victim na si John Matthew Salilig.

Ayon sa prosecution, kabilang sa mga naghain ng naturang petisyon sa Biñan Regional Trial Court Branch 155 sina Daniel Perry alyas Sting, Michael Lambert Ricalde alyas Alcazar, Sandro Victorino alyas Loki, Mark Pedrosa alyas Makoy at Tung Cheng Teng alyas Nike na dumalo sa pagdinig sa pamamagitan ng video conferencing.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Dagdag ni Atty. Victor Dalanao ng prosecution,  iprenesenta nila si Roi Osmond Dela Cruz, ang neophyte na kasama ni Salilig  at ibang ebidensya  sa korte.

Read More:  China Coast Guard fires water cannons at Philippine vessels for second straight day

Kaugnay nito, sa June 7 ang susunod na bail hearing at itinakda naman sa June 28 ang main trial ng pitong akusado. //CA edited MHEL PACIA