Aabot sa apat na milyon ang inaasahang arrivals ng Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan sa bansa ngayong nalalapit na Holiday season at darating na long weekend.
Kaugnay nito, mula Nobyembre 15, 2023 hanggang Enero 15, 2024 ay hindi pinapayagan ng BI ang mga empleyado na umalis para masigurong magiging maayos ang operasyon sa huling quarter ng taon na taonan na namang ginagawa umano ng ahensya.
Nabatid na inaasahan magsisimula ang long weekend sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 5 dahil nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election at Undas.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, naghahanda na ang BI sa pagdagsa ng mga pasahero matapos ngang idineklara bilang isang espesyal na araw ang Oct. 30 sa ilalim ng Proclamation no. 359 habang espesyal na araw rin ang Nov. 1 at 2 dahil sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.