BNFM Bicol-ARESTADO ang isang 46-anyos na lalaki sa bayan ng Caramoran, Catanduanes dahil sa pananaga.
Ang suspek ay kinilalang si ‘’Jull’’ na kung saan ay sinubukang tagain ang isang lalaki na kanya pa mang biyanan sa gitna na kanilang inuman hatinggabi nitong Martes.
Sa resulta ng naging imbestigasyon ng mga awtoridad, binaling na lamang ng suspek ang pananaga sa dalawang magkapatid na itago natin sa pangalang, “Lando” at “Berto.”
Agad namang naisugod ang dalawang magkapatid sa malapit na ospital sa bayan na kung saan nataga sa kanang kamay si “Lando” habang nagtamo rin ng taga sa ulo, kaliwang kamay at balikat si “Berto.”
Mahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek na ngayon ay nasa kustudiya na ng PNP. ### KENNETH BERMIL