45k na mga dating rebelde – natulungan sa pamamagitan ng E-CLIP program

Mahigit sa 45 thousand na mga dating rebelde ang nakabalik sa lipunan matapos matulungan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.

Ito’y batay sa ulat ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para sa ikatlong quarter ng taon.

Read More:  Duterte defense opposes ICC request to inspect seized items

Iniulat din ng NTF-ELCAC ang kanilang pinalakas na mga programa para sa kapayapaan at seguridad sa mga rehiyon.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng mga armas at pagbuwag ng ilang guerilla fronts.

Tatlong karagdagang probinsya rin na kinabibilangan ng Biliran, Rizal, at Misamis Occidental ang idineklarang nasa State of Internal Peace and Security, kaya’t umabot na sa 35 probinsya, 8 lungsod, at 3 rehiyon ang itinuturing ng pamahalaan na “stable” at “secure.”

Read More:  VP Sara calls for better intelligence after Tacloban school shooting

Sa kabila ng mga tagumpay na ito, binigyan-diin ng NTF-ELCAC ang pangangailangan ng patuloy na pagbabantay at pagtugon sa mga hamon gaya ng insurgency radicalization at misinformation.