45 kilos na labanos sa Japan, kinilala ng Guinness bilang “World’s Largest Radish”

KINILALA ng Guinness ang labanos na prinoduced ng Manda Fermentation Company bilang “World’s Largest Radish” nito lamang February 22 dahil sa taglay nitong bigat na 45 kilos, lapad na 113 centimeters at ugat na may habang 80 centimeters.

Ayon sa kompanya imbes na tatlong buwan, ay anim na buwan nilang trinabaho ang pagpapalaki sa nasabing tanim upang umabot ito sa timbang na meron ito ngayon, kung saan kakailanganin umano ng apat na katao sa pagbunot lang ng isang labanos mula sa lupa.

Dagdag pa ng kompanya na masaya sila na ipabatid sa mundo ang kakayahang makapagpalaki ng mga produktong gulay kagaya na lamang ng labanos mula sa kanilang  kompanya.###CD