42 bagong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte naitala noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 42 panibagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte noong nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Health naitala ang mga bagong kaso ng sakit sa walong bayan.

Ito ay sa Daet na may 19, Jose Panganiban 6, Basud 4, paracale 4, Labo 3, Vinzons 3, talisay 2 at isa naman sa Sta Elena.

Ang mga naitalang kaso ng COVID- 19 ay 10. 32 percent ng mga bagong naitala sa buong rehiyon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa ngayon ay wala pang ipinapalabas na report ang Provincial Health Office para sa mas kumpletong datos.

Hindi na rin nagpapalabas ng COVID- 19 bulletin ang mga munisipyo maliban sa Vinzons, Daet at Mercedes.

Tila hindi na rin alintana ng marami ang banta ng COVID- 19 na normal na ang pamumuhay.

Nitong buwan lang ng Agosto ay kaliwa’t kanan ang mga aktibidad na may kinalaman sa mga barangay fiesta.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Marami sa mga aktibidad na ito ay hindi na nagsusuot face mask ang mga tao.

Sa kabila nito paulit- ulit pa rin ang paalala ng Department of Health sa publiko na palaging magsuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay at iwasan ang mga matataong lugar.

Higit sa lahat hinihikayat ang lahat na makiisa sa Pinaslakas campaign ng gobyerno na naglalayong pataasin ang bilang ng COVID- 19 vaccination coverage.