Mahigit 40,000 katao ang dumalo sa 45th anniversary celebration ng Jesus Is Lord (JIL) sa Luneta, Manila noong Sabado, October 14, 2023.
Ayon sa Manila Police District (MPD), nag-deploy ito ng 140 pulis para masiguro ang kaligtasan sa paligid.
Isinara naman ang magkabilang lane ng Roxas Boulevard para mabawasan ang pagsisikip ng trapiko malapit sa lugar.
Ilang opisyal ng gobyerno ang dumalo sa okasyon, kabilang na sina Senator Joel Villanueva, Chief Justice Alexander Gesmundo, at Senator JV Ejercito.