Ipinasakamay ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 ang apat na Convective Polymerase Chain Reaction (CPCR) Machines na ginagamit sa pagtukoy ng ASF sa probinsya ng Isabela, Cagayan, Quirino at Nueva Vizcaya.
Nagkakahalaga ang bawat isang CPCR machine ng 3.222 million pesos kasama na ang electric stunner.
Gagamitin ang naturang mga makinarya para sa mas mabilis na pagtukoy ng ASF sa pamamagitan ng blood samples sa isang partikular na lugar.
Inihayag ni RD Narciso Edillo na dahil sa agresibo ang kagawaran katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapanumablik ng swine industry ay pinaprayoridad nila aniya ang prevention and control laban sa ASF.
Dahil dito ay mas mabilis madedetect ang ASF sa mga lokalidad para rin sa mas magaang interbensyon nito.
Dagdag pa ng opisyal na kapag naideklara na ang isang lugar bilang ASF free ay magiging kumpiyansa aniya ang mga commercial piggeries na muling magsimula sa pag-aalaga ng baboy.
Binigyang diin naman ni Dr. Roberto Busania ang Director for Operations and Extension ng DA Region 2 na ang mga nagpositibo sa naturang test ay isasailalim pa rin sa RT-PCR sa Cagayan Valley Integrated Agricultural Laboratories (CVIAL) para sa kumpirmasyon.
Photo/DA CV