4 na LGU sa region 12, nakatanggap ng bagong fire truck

KORONADAL CITY- APAT na mga local government units o LGU sa Soccsksargen region ang nakatanggap ng tig-isang brand new fire truck mula sa Bureau of Fire Protection o BFP National headquarters sa Quezon City.

Ang turn-over ceremony ay isinagawa kamakailan lamang kasama sina Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Benhur Abalos at Senator Sonny Angara.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Kabilang sa mga nabigyan nga bagong fire truck ang Midsayap, North Cotabato at mga bayan ng Banga, Surallah at Tupi sa South Cotabato.

Napag-alaman na 74 na mga firetrucks na may kapasidad na 1000 gallon ang ipinamahagi ng BFP sa iba’t ibang mga lungsod at munisipyo sa bansa.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ito ay bahagi ng vision ng ahensya na magkaroon ng modern fire service upang masiguro ang fire-safe nation sa taong 2034.