4 milyong Pilipino, fully vaccinated na vs. COVID-19- Palasyo

Pumalo na sa 14 milyong katao ang nabakunahan na laban sa COVID-19 sa bansa. 

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, umabot na sa apat na milyong Pilipino ang fully-vaccinated. 

Nakamit aniya ito dahil nakapagbabakuna ang bansa ng average 257,157 katao kada araw. 

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Dagdag ng kalihim, ang 4.04 milyong fully vaccinated individuals ay 5.78 percent ng target ng gobyerno na mabakunahan para makamit ang herd immunity.

Sinabi ni Roque na nasa 7.7 milyong COVID-19 vaccine doses ang inaasahang idedeliver sa bansa mula ngayong araw hanggang sa Sabado.

Read More:  NBI witness fails to identify alleged hitman in VP Sara trial

Kabilang dito ang 250,800 doses of Moderna na dumating ngayong hapon; 1,150,800 doses ng AstraZeneca doses na darating bukas; 1,606,600 doses ng single-dose Johnson and Johnson na idinonate ng COVAX facility na darating din bukas; 1.5 milyong doses ng Sinovac na darating sa Sabado; at 1,593,400 milyong doses ng Johnson and Johnson na idedeliver sa July 17.