4 katao arestado sa isang drug den sa Brgy, Puro Legazpi City

LEGAZPI-Inaresto ang apat na drug suspek sa isang drug den sa Purok 1B, Brgy Puro lungsod ng Legazpi nitong sabado ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Rebecca Cadalin 39 anyos, residente ng Barangay Bogtong, Christopher Alamil, 39 anyos, isang drug den maintenor, residente ng Barangay Puro, Dante Cariño Jr, 35 anyos residente ng Barangay 28 Victory Village at si Mark Anthony Volante,29 anyos, isang staff ng peryahan, residente ng Barangay San Roque bayan ng Malilipot Albay.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ayon kay Noe Briguel, ang head ng Philippine Drug Enforcement Agency (ODEA) Albay, nakumpiska sa mga suspek ang pitong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 15 gramo na nagkakahalaga ng P102K, drug paraphernalia, buy-bust money at iba pa.

Aniya, matagal na umano ang bahay na ginagawa drug den ang lugar kung saan labas pasok na rin ang mga tao na hindi rin kilala ng mga residente. Dahil dito mismo na ang mga residente at barangay ang nagpaabot ng impormasyon kung kayat nagkaroon muna ang ga ito ng surveillance bago ikinasa ang operaayon laban sa mga suspek.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa ngayon ang mga suspek ay nasa kostudiya na ng mga operatiba habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga naarestong suspek.