4 arestado dahil sa pagtutupada sa Batangas

Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang apat na mga kalalakihan matapos na maaresto sa ikinasang operasyon laban sa iligal na sabong sa Sitio Kilo-Kilo, Brgy. Makina, Balete, Batangas, dakong alas-4:35 ng hapon kahapon, Mayo 10, 2023.

Kinilala ng Balete Municipal Police Station ang mga suspek na sina Neil Anthony Manalo y Cabungcal, 38-anyos; Mark Osmillo y Katigbak, 39 anyos; Lester Coronado y Robles, 39 anyos, pawang mga residente ng naturang barangay at Leonardo Ilag y Plata, 40 anyos, residente ng Brgy. Malapad na Parang, Lobo, Batangas.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Ayon sa imbestigasyon, inilunsad ng intelligence personnel ng Balete MPS ang anti-illegal cockfighting operation matapos na makatanggap ng report hinggil sa pagtu-tupada sa naturang lugar.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Akto ang mga ito na nahuli na nagsasabong at narekober ang isang manok na panabong; dalawang patay na manok na panabong, pitong tari, isang kahon, mga gamit na ballpen at taya na nagkakahalaga sa Php12,180.00.

Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa PD 449 o Illegal Cockfighting.