Inaresto ang apat na indibidwal sa Pasig City matapos na mahulihan ng nasa 4.2 milyong halaga ng mga COVID-19 rapid test kits na kanilang binebenta online.
Sa isang statement sa Philippine Air Force, binebenta ng mga suspek ang nasa 21,000 test kits mula sa Konsung Brand sa halagang P200 bawat isa.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9711 o FDA Act of 2009 ang apat na mga suspek.

Siniguro naman ng PFA ang pakikiisa katuwang ang iba pang mga ahensya ng gobyerno sa paghuli sa mga indibiwal na illegal na nagbebenta ng mga nasabing produkto.
Samantala, pinaalalahanan naman ng Department of Health (DOH) ang mga ospital patungkol sa mga napapabalitang hindi rehistradong COVID-19 test kits na inihahain sa publiko.