39 katao patay sa sunog sa isang migration center malapit sa Mexico-US border

Hindi bababa sa 39 katao ang namatay sa nangyaring sunog sa isang migration center sa Ciudad Juarez, isang lungsod sa Mexico-US border.

Samantalang 29 naman ang sugatan sa insidente.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Sumiklab ang sunog sa tanggapan ng National Migration Institute (INM) matapos nilang kunin ang isang grupo ng mga migrante mula sa mga lansangan at i-detine sila.

Hindi pa nilalabas ng National Migration Institute ng Mexico ang sanhi ng sunog at mga nasyunalidad ng mga biktima.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Gayunpaman, kinumpirma ng Guatemala’s Institute of Migration na hindi bababa sa 28 Guatemalan nationals ang kabilang sa mga namatay