38 revolver at tatlong puno ng pinaniniwalaang marijuana nakumpiska sa dating drug surrenderee

Kulungan ang bagsak ng dating drug surrenderee matapos mahuli sa isinagawang drug bust operation ng Aklan Provincial Drug Enforcement Unit kaninang madaling araw sa Brgy. Balusbos, Buruanga, Aklan.

Kinilala ang suspek na si Elben Matt Labindao Sualog, 26 anyos at residente din ng nasabing lugar kung saan nabilhan ito ng isang sachet ng marijuana kapalit ng Php 500 pesos na buy bust money.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Nakarekober din ang mga operatiba ng tatlong puno ng pinaniniwalaang marijuana na nakalagay sa paso, isang .38 revolver at ilan pang drug paraphernalias.

Read More:  20 of 36 health facilities in Kabankalan face flood risk, data shows

Napag-alaman na natapos ni Sualog ang Community-Based Rehabilitation Program o (CBRP) para sa mga drug surrenderee sa nasabing bayan.

Samantala, mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Illegal possession of fire arms.