35k na mga pamilyang nakatira sa paligid ng Mayon, binabantayan dahil sa posibleng lahar flow

LEGAZPI CITY – Mahigpit na binabantayan ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) ang nasa 35,000 na mga pamilyang naninirahan sa paligid ng Bulkang Mayon.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ito ay dahil sa nakaambang banta ng posibleng pagdaloy ng lahar bunsod ng sunud-sunod na pag-ulan kaugnay ng shear line.

Sa pinakahuling datos mula sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), ang malakas na pag-ulan ay maaaring makaapekto sa humigit-kumulang ng 132,933 indibidwal na naninirahan sa palibit ng nasabing Bulkan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case