35 kaso ng Leptospirosis naitala sa Camarines Sur

NAGA CITY-  85 ang kaso ng leptospirosis sa Bicol Region mula Enero hanggang Hulyo 2022, ito ay base sa nakuha ng Brigada News FM Naga na datus mula sa Department of Health.

Nakasaad sa record na 35 ang kaso sa buong Camarines Sur, pinakamataas sa rehiyon kung saan ang dalawa dito ay naitala noong Hulyo 24 hanggang Hulyo 30. Sa mga kasong ito isa ang nasawi na hindi sinabi ng DOH kung saan partikular na bayan o lungsod. Sumunod sa CamSur ang Sorsogon na may 19.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Sa panayam ng BNFM Naga kay Justine Gamosa, health worker sa Barangay San Felipe Naga City, sinabi nitong upang maiwasan ang pagbabaha,  regular ang paglilinis sa mga daluyan  ng tubig. Inaalis ang mga nakakabara na maaaring maging dahilan ng pag-apaw ng tubig.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ang leptospirosis ay malubhang impeksyong dulot ng leptospira bacteria na inilalabas ng mga hayop sa kanilang pag-ihi.

Kadalasang nakukuha ito sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga. Maliban sa daga maaari ring maging tagapagdala ng leptospira bacteria ang mga baka, baboy at aso.

Panawagan ng DOH sa publiko iwasang magtampisaw sa baha.