31 mga bata, nabigyan ng maagang pamaskong regalo sa isinagawang outreach program sa ilalim ng MCC sa Sagrada Familia

LEGAZPI CITY – Maagang nakatanggap ng pamasko ang tatlumpu’t isang mga bata sa isinagawang outreach program ng Brigada News FM Legazpi sa ilalim ng Mother and Child Care program sa Sagrada Familia, Legazpi City.

Ang mga pamaskong regalo ay handog ng NAVFORSOL, kung saan laman nito ang mga bagay na nasa wish list ng mga bata, at mayroon ding mga bigas.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ilan sa laman ng regalong kabilang sa wish list nila ay ang sapatos, damit, bag, robot at iba pang laruan, ngunit mayroon namang nag-iisa na nag-wish ng isang diksyunaryo.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Makikita ang tuwa ng mga kabataan, maging ng mga nagsilbing foster parents bagama’t inuulan ang nabanggit na gawain.

Samantala, bago naman magtapos ang gawain ay sinurpresa ang lahat ng mga kabataan dahil sa kanilang pasabog na dance number.