300 mga tindera sa Daraga, Albay, benepisyaryo sa isinagawang ‘Sari-saring Pag-asa’ payout

LEGAZPI CITY – Umabot sa 300 mga tindera ang naging benepisyaryo ng isinagawang Sari-saring Pag-asa Payout (SSP) sa bayan ng Daraga, Albay kahapon, Hunyo 1.

Read More:  P1.3 million worth of suspected shabu seized at Davao de Oro checkpoint

Nakatanggap ng tulong-pinansyal ang mga ito na residente mula sa iba’t ibang barangay ng nabanggit na bayan.

Ito ay bilang tulong sa mga labis na naapektuhan ng nagdaang bagyong Rolly at ng pandemya.

Read More:  3 dead, 15 injured in Cotabato shooting near polling precinct

Ang nasabing payout ay nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol at ng Daraga Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).